Shabu na itinago sa isang stuffed toy bag, nakumpiska sa Pasay City

Nakumpiska ang 40 gramo ng shabu sa dalawang drug personality sa Pasay City, Sabado ng madaling-araw.

Batay sa ulat ng Pasay City police, nakuha ang ilegal na droga sa loob ng isang kulay brown na stuffed toy bag sa loob ng bahay ng isa sa mga suspek na si Bienvenido Rensales alyas “Bien,” 52-anyos.

Isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Barangay 148, Zone 16 bandang 1:00 ng madaling-araw.

Naaresto rin sa operasyon ang kasamahan ni Rensales na si Jocelyn Guillen, 26-anyos.

Nagkakahalaga ng P275,400 ang nakuhang shabu sa mga suspek.

Nakuha rin sa mga suspek ang dalawang lighter, digital weighing scale at ginamit na buy-bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...