Ayon sa DFA, layon nitong magkaroon ng alternatibong paraan ang mga Filipino na makakuha ng passport renewal services sa United Arab Emirates (UAE) at Saudi Arabia.
Sinaksihan ni Foreign Affairs Secretart Teodoro Locsin Jr. at VFS Global Head of Business Development Chris Dix ang signing ceremony ng Memorandum of Understanding (MOU) sa inagurasyon ng PaRC sa Dubay Health Care City.
Ayon kay Locsin, ang proyekto ay pagtuhon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng ahensya ng gobyerno na pagbutihin ang serbisyo-publiko lalo na sa mga Filipino na nasa ibang bansa.
Sinabi pa ng kagawaran na mataas ang demand ng passport renewal service sa UAE dahil nasa mahigit 600,000 Filipino ang nananatili sa lugar.
Sinumang kumuha ng serbisyo sa PaRC ay kinakailangan magbayad ng karagdagang convenience fee bukod pa sa normal na halaga ng passport renewal sa Consulate General o Embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi.
Nakatakda namang ilunsad ang pagbubukas ng PaRC sa Abu Dhabi, UAE; Riyadh at Jeddah sa Saudi Arabia sa taong 2020.