Kasabay ito ng ika-10 anibersaryo ng Maguindanao massacre.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Andanar na pag-iibayuhin ng gobyerno at Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pagtugon sa kanilang tungkulin para maiwasan ang marahas na pag-atake sa media.
Aniya, trabaho lamang ng mga mamamahayag na ipakalat ang katotohanang impormasyon sa publiko.
Ipinangako rin ni Andanar na itutulak ng gobyerno ang kaso para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng pagpatay sa mga mamamahayag sa bansa.
Inihayag din nito ang pakikisimpatya sa pamilya ng mga biktima ng malagim na massacre.
Matatandaang nasa kabuuang 58 indibidwal kung saan 38 ang mga mamamahayag na sangkot sa Maguindanao massacre.