Ilang lugar sa Luzon, makararanas pa rin ng pag-ulan

DOST PAGASA photo

Asahang uulanin pa rin ang ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 5:53 ng hapon, mararanasan ang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa probinsya ng Quezon.

Iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Maliban dito, apektado rin ng pag-ulan ang Tarlac partikular sa Mayantoc, Santa Ignacia, Gerona at Paniqui.

Uulanin din ang Zambales partikular sa San Felipe, San Narciso, Cabangan, Iba, Palauig at Masinloc.

Pinayuhan naman ng weather bureau ang mga residente sa nasabing lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...