Ayon sa BOC, dumating ang kargamento na nagmula sa South Korea at naka-consign sa Vision Restore and Equipment Corporation noong November 6.
Batay sa ulat ng ahensya, idineklara ng consignee na ang laman ng kargamento ay mga gamit nang TV parts at electric parts. Ngunit, natagpuang naglalaman ito ng electronic waste.
Agad naglabas si MICP District Collector Guillermo Pedro A. Francia IV ng alert order laban sa kargamento at inirekomenda sa Accounts Management Office (AMO) ang revocation ng accreditation ng importer at customs broker.
Maglalabas ang BOC ng order of re-exportation para ipag-utos sa consignee na ibalik ang kargamento sa South Korea alinsunod sa Customs Memorandum Order No. 38-2019 na may kinalaman sa probisyon ng Section 14 ng Republic Act No. 6969 at Article 8 ng Basel Convention on the Transboundary Movements of Hazardous Wastes and their Disposal.
Magsasagawa ang BOC ng imbestigasyon para alamin ang mga personalidad na sangkot sa importaasyon ng electronic waste.