2 high value targets, timbog sa Cebu City

Arestado ang dalawang itinuturing na high value targets sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu City, Biyernes ng hapon.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office=Central Visayas (PDEA RO-7), isinagawa ang operasyon sa bahagi ng P. Burgos Street corner Quezon Boulecard sa Barangay Sto. Niño bandang 10:30 ng gabi.

Nahuli ang mga suspek na sina Jhon Louis Daan, 26-anyos, at Jack Despi Branzuela, 31-anyos, kapwa residente ng Talisay City, Cebu.

Nakuha sa dalawa ang dalawang pack ng hinihinalang shabu na may bigat na mahigit-kumulang 100 gramo. Nagkakahalaga ang ilegal na droga ng P680,000.

Maliban dito, narekober din sa dalawa ang isang cell phone, brown envelope, isang pahayagan at ginamit na buy-bust money.

Mahaharap sina Daan at Branzuela sa kasong paglabag sa Sectins 5 at 6 ng Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...