Umabot sa 230 ang kabuuang bilang ng mga vape na nakuha sa mga nahuling gumagamit nito sa mga pampublikong lugar.
Sa nasabing bilang. 95 rito ay mula sa Cebu City habang 30 sa Lapu-Lapu City at pito naman sa Mandaue City.
Maiban dito, 74 naman ang nakumpiska sa probinsya ng Cebu, 20 sa Bohol at apat sa Negros Oriental.
Hindi naman ikinulong ang mga nahuli at binigyan lamang ng babala.
Pinapirma rin ng pulisya ang mga nahuli sa isang dokumento matapos makuha ang vape.
MOST READ
LATEST STORIES