Bagyong #SarahPH, isa na lamang LPA at nakalabas na ng bansa

DOST PAGASA photo

Tuluyan nang humina ang Bagyong “Sarah” at isa na lang ganap na Low Pressure Area (LPA).

Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 11:00 ng umaga, naging LPA na lamang ang bagyo bandang 8:00 ng umaga.

Nakalabas na rin ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bandang 6:00 ng umaga.

Huling namataan ang bagyo sa layong 635 kilometers Hilaga Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes bandang 10:00 ng umaga.

Dahil dito, inalis na ng weather bureau ang gale warning sa lahat ng seaboards ng bansa.

Read more...