Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa Masbate, Sabado ng umaga.
Batay sa datos ng Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa 5 kilometers Northwest sa Pio V. Corpuz o Limbuhan bandang 11:04 ng umaga.
May lalim ang lindol na 2 kilometers at tectonic ang dahilan.
Dahil dito, naitala ang instrumental intensity 1 sa Legazpi City at Masbate City.
Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES