Attendance ng mga pulis ng NCRPO bantay-sarado na sa biometrics system

Nagpalagay si National Capital Region Police Office chief Brig. Gen. Debold Sinas ng pitong biometric time clocks sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Bahagi ito aniya ng pagpapaigting ng kanilang internal cleansing sa hanay ng mga pulis.

Aniya sa pamamagitan ng biometric clocks ay matitiyak na nag-duty ang 1,500 na NCRPO personnel, maliban sa Regional Mobile Force Battalion.

Magkakaroon na aniya ng disiplina ang mga pulis na madalas mag-absent at late.

May CCTV cameras din sa lahat ng gate ng kampo para malaman kung may pulis na mandaraya sa kanilang duty schedules.

Pinagpaplanuhan na rin ang paglalagay ng biometrics system sa limang distrito ng pulisya sa Metro Manila.

Read more...