P4.1T 2020 national budget on time na makakalusot sa Senado

Kumpiyansa si Senate President Vicente Sotto III na maaprubahan ang P4.1 trillion 2020 national budget bago sumapit ang araw ng Pasko.

Ayon kay Sotto napag-usapan naman nila na na bago ang Christmas break ng Congress sa December 20 ay aprubado na ang pambansang budget.

Diin nito, natatalakay at napaplantsa naman ang lahat ng mga isyu ukol sa budget ng ibat ibang ahensiya at opisina ng gobyerno.

Dagdag pa ng senador sa huling buwan ng Nobyembre, inaasahan na tapos na ang mga interpelasyon, individual at committee amendments sa 2020 national budget.

At sa unang linggo ng Disyembre ay mahihimay na ito sa Bicameral Conference Committee sa pamamagitan ng mas masusing pagtalakay ng mga senador at kongresista.

Read more...