LOOK: Maine Mendoza kasama ng pamilya ni Arjo Atayde sa isang dinner

IG Photo

Kasama si Maine Mendoza sa isang dinner ng pamilya ni Arjo Atayde.

Mismong ang aktres na si Sylvia Sanchez, ina ni Arjo ang nagbahagi ng larawan.

May caption itong “Sunday is famday. Love u kiddos” at makikita sina Maine at Arjo na magkatabi sa upuan.

Ayon kay Sanchez, sa Podium naganap ang dinner noong Nov. 17 ng gabi.

Kinumpirma na ni Maine na nagde-date sila ni Arjo pero wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa kung sila ay magkarelasyon na.

Read more...