Sunog sumiklab sa residential area sa Makati

Sa kasagsagan ng pag-ulan tinupok ng apoy ang isang residential area sa Makati City.

Nangyari ang sunog pasado alas 2:00 ng hapon ng Biyernes, Nov. 22 sa Barangay San Isidro.

Ilang bahay sa Zanzibar Street ang naapektuhan ng sunog na umabot ng 4th alarm.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Read more...