Mga pasahero ng Grab makakakuha ng P1 hanggang P100 refund

Maaring makatanggap ng refund ang mga pasahero ng Grab na nagbook mula Pebrero hanngang Mayo 2019.

Ito ay matapos mapatunayan ng Philippine Competition Commission (PCC) na nagkaroon ng sobrang pagsingil ang Grab sa kanilang mga pasahero.

Ayon kay Grab Philippines President Brian Cu, P5.05 million ang iniutos na refund ng PCC will sa kanilang nasa 3 milyong pasahero.

Mangangahulugan ito ng P1 hanggang mahigit P100 na refund depende sa dami ng pagsakay ng pasahero.

“There are some that will get below a peso, there are some that will get over a hundred pesos depende kung gaano karaming trips ang ti-nake nila,” ayon kay Cu.

Una nang sinabi ng Grab Philippines na susunod ito sa utos ng PCC.

Ayon kay Cu, aakuin din ng Grab ang pagbabayad ng multa sa PCC at hindi nila ito ipapasa sa mga pasahero.

Sisimulang ibigay ang refund sa susunod na apat hanggang anim na linggo.

Read more...