Ito ang dahilan kaya’t makikipagpulong na ang mga opisyal ng Comelec sa mga kinatawan ng National Grid Corporation of the Philippines upang talakayin ang mga posibleng solusyon dito.
Gayunman, nilinaw ni James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec na hindi magiging problema sa mga vote counting machines ang biglaang power outage dahil mayroon naman itong back-up power na tatagal ng hanggang sa 15 oras.
Ang nakikita nilang magiging problema aniya ay kung sakaling mawalan ng kuryente sa isang lugar na magiging dahilan upang mahirapan ang mga tao at maging ang mga tauhan ng Comelec na makapagtrabaho.
Dahil din aniya sa mga serye ng mga pambobomba sa mga tore ng kuryente sa Mindanao, pinag-iisipan na nilang palawakin ang sakop ng kanilang gun ban committee.
Sinisilip na rin aniya ng komisyon ang posibilidad na bigyan na rin ng aktibong partisipaasyon ang komite sa usapin ng deployment ng puwersa ng PNP at AFP sa mga lugar na kinakailangan ng karagdagang seguridad.
Nito lamang Lunes, kinumpirma ng NGCP na isa na namang tore ang tinangkang pabagsakin ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Pantar, Bubong, Lanao del Sur.
Sa kabila ng pambobomba, maswerteng hindi ito bumagsak, ayon sa NGCP.