Nanguna si United States President Barack Obama bilang “most popular leader” sa Facebook ayon sa isang pag-aaral na “World Leaders on Facebook” ng public relations firm Burson-Marsteller.
Sa taong 2015 kasi, mayroon nang 46.414 million likes ang kaniyang campaign page o ang page niya na hindi minamandohan ng White House o maging ni Obama mismo.
Ang White House naman ang ika-8 most liked Facebook page dahil sa 5.44 million likes.
Si Obama naman ay sinundan ni Indian Prime Minister Narendra Modi na may 31.745 likes sa kaniyang personal page na nadagdagan pa ng 10.109 million likes para sa official page ng Prime Minister of India.
Samantala, sa kabila ng napakaraming batikos na natatamasa dahil sa kaniyang pag-veto sa panukalang SSS pension hike, nasa ika-10 ranggo rin si Pangulong Benigno Aquino III sa listahan ng “most liked” country leader sa Facebook.
Mayroon na kasing 4.244 million likes ang official Facebook page ni Aquino sa taong 2015.