LOOK: MTRCB nagsagawa ng Matalinong Panonood Forum para sa mga batang nasa pangangalaga ng DSWD Reception Center

Nagdaos ng Matalino at Responsableng Panonood Forum ang Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga bata na nasa pangangalaga ng DSWD.

Pinangunahan nina MTRCB Board Members Rocky Cruz, Johnny Revilla at Bogie Reyes ang forum para sa mga bata sa DSWD Reception and Study Center for Children (DSWD-RSCC).

Layunin ng forum na ipabatid sa house parents at guardians ng DSWD-RSCC ang kahalagahan ng paggabay sa mga kabataan sa kanilang napapanood na programa sa telebisyon at pelikula.

Para sa mga bata naman, ipinaalala ng Board Members na ang mga programa tulad ng rated PG at SPG ay dapat mapanood lamang sa ilalim ng striktong paggabay ng mga nakakatanda o magulang.

Matapos ang forum ay nagkaroon din ng film showing para sa mga bata.

Read more...