Face-to-face classes sa Mapua University suspendido mula Dec. 2 hanggang 6

Kinansela ang face-to-face classes sa Mapua University Makati at Intramuros Campus mula December 2 hanggang 6, 2019.

Ito ay dahil sa mga aktibidad para sa 30th SEA Games.

Sa abiso ng Mapua University sa kanilang Twitter account, para sa nabanggit na mga petsa, iiral ang ‘digital days’.

Obligado ang mga estudyante na i-access ang kanilang Blackboard account para ituloy online ang klase.

 

Read more...