Mahigit 10,000 katao nananatili sa evacuation centers sa Cagayan dahil sa epekto ng bagyong Ramon at Sarah

Mayroon pang mahigit 10,000 katao na nananatili sa mga evacuation center sa lalawigan ng Cagayan.

Sila ay pawang naapektuhan ng pagtama ng Bagyong Ramon at Sarah at residente ng 171 na mga barangay.

Ayon sa update mula sa Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, 10,769 na katao pa o 3.314 na pamilya ang nananatili sa 181 na evacuation centers.

Sa datos, aabot sa 20 munsipalidad ang naapektuhan ng pagbaha dulot ng bagyo.

Wala namang nasaktan o nasugatan sa pananalasa ng magkasunod na bagyo.

Read more...