Sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 430 kilometers northeast ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 105 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong north northeast.
Hindi na inaasahang maghahatid ng pag-ulan ang bagyong Sarah.
Gayunman, dahil sa Northeast Monsoon o Amihan, makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Bicol Region, Aurora, Quezon, Rizal, Laguna at Bulacan.
Hindi rin maganda ang panahon sa Batanes at Babuyan Islands.
nananatiling delikado ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng Northern Luzon partikular ang Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Ilocos Provinces at Isabela.
Inaasahang lalabas ng bansa ang bagyong Sarah sa pagitan ng Biyernes ng gabi at Sabado ng umaga.