Ayon sa MARINA, malaki ang maitutulong ng water transport system sa sandaling maging operational na ang rutang patungo at pabalik ng Cavite – Metro Manila sa pamamagitan ng ferry boat.
Sa ilalim ng Phase 1, magsisimula ang biyahe ng Metro Star Ferry Terminal (Cavite City Hall) Sangley Port patungong SM MOA Ferry Terminal; mula sa Sangley Port papuntang CCP Port;
At ang Phase 2 mula sa terminal ng Metro Star Ferry sa Cavite City Hall/ Sangley Port puntang Escolta, Manila hanggang sa Lawton Ferry Terminal.
Ayon sa Marina, isasagawa ang dry run ng Phase 1 mula sa Cavite papunta ng Maynila sa unang linggo ng Disyembre.
Bukod sa DOTr at Marina kaisa rin sa proyekto ang PPA at PCG, iba pang ahensiya ng pamahalaan gaya ng Philippine Navy, Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Laguna Lake Development Authority (LLDA) at mga Local Government Units (LGUs) ng Cavite at Manila.