Katuwang ng LTO sa operasyon ang Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG), Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga tauhan ng South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX).
Ang one-time big-time crackdown ay layong mahuli ang kolorum na sasakyan at iba pang mga paglabag sa batas trapiko.
Ayon sa LTO, layun ng one time crackdown na maiwasan ang aksidente sa kalye at pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahigpit na pagpapatupad ng mga batas trapiko.
Sa Maynila, kabilang sa nasita ang isang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penologi (BJMP) na walang suot na helmet habang nagmomotorsiklo.
Isang pulis din na hindi naka-uniporme ang nasita dahil sakay siya ng motorsiklo at wala ring suot na helmet.
Maliban sa Metro Manila, ikakasa rin ng LTO at iba pang ahensiya ang crackdown laban sa mga traffic violator sa iba pang panig ng bansa.