12 establisyimento nasunog sa Kidapawan City

Labingdalawang establisyimento ang tinupok ng apoy sa sunog na naganap sa Kidapawan City.

Pasado alas 2:00 ng madaling araw ng Biyernes, Nov. 22 nang mag-umpisa ang sunog.

Ayon kay City Fire Marshal Capt. Marjorie Resurreccion, nagsimula ang apoy sa isang internet shop na pag-aari ni Don Silver De Leon sa Datu Ingkay Street.

Mabilis kumalat ang apoy at nadamay na ang iba pang establisyimento na kinabibilangan ng karenderya, boarding house at iba pang establisyimento sa lugar.

Tinataya ng BFP na aabot sa P1.5 million ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Read more...