P1.3M na halaga ng shabu nakumpiska sa buy-bust sa QC

Aabot sa P1.3 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City, Huwebes, Nov. 22 ng gabi.

Ayon sa National Capital Region Police Office, nakumpiska ng mga otoridad ang 200 grams ng shabu mula sa mga suspek.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Albert John Pakingan, Kirby Angelo Ruiz at Dawn Marie Notarte.

Ikinasa ang buy bust sa Maine Avenue malapit sa EDSA sa Barangay Socorro.

Nakakulong na sa QCPD Drug Enforcement Unit ang mga suspek.

Read more...