Napuwersa ang maraming napapabilang sa Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender o LGBT sa China na sumailalim sa “conversion therapy”.
Ayon sa rights group sa China, ang “conversion therapy” ay karaniwang ginagawa ng mga hindi lisensyado at mga walang prinsipyo na grupo ng indibiduwal at hindi gaanong namamatyagan ng mga otoridad.
Bagaman, walang pahintulot mula sa mga duktor, ang conversion therapy ay naglalayong baguhin ang sexual orientation ng isang indibiduwal sa pamamagitan ng ibat-ibang pamamaraan tulad hypnosis, drugs, acupuncture at maging electric shock therapy.
Nabatid na sa China, ang naturang therapy ay madalas inaalok ng mga center na hindi lisensiyado na mag-practice ng medisina.
Hindi naman agad nagkomento ang National Health Commission ng China sa isyu.
Batay sa National Clinical guide 2001 ng China nakasaad na inalis na nila ang homosexuality sa listahan ng mga sakit na nakapaloob sa Chinese Classification of Mental Disorders.