LOOK: Gulong ng eroplano ng PAL flight na nag-emergency landing sa Los Angeles International Airport

Flat at mistulang pumutok ang mga gulong ng eroplano ng Philippine Airlines matapos na mag-emergency landing sa Los Angeles International Airport.

Sa larawan na ekslusibong ibinahagi sa Radyo Inquirer, makikitang dapa ang labingdalawang gulong ng eroplano.

Tumangging magpabanggit ng pangalan ang indbidwal na kumuha ng larawan sa mga gulong ng eroplano.

Samantala, sa panayam ng Radyo Inquirer sa isa sa mga pasahero ng Flight PR 113 na si Geri Camahort Lamata, lulan siya at kaniyang ina ng naturang eroplano.

Ayon kay Lamata, mabilis ang pangyayari dahil pagkatapos mag-take off ng eroplano, agad silang nakarinig ng malakas na putok.

Sa una naisip nilang tunog lang ito ng gulong pero nagtuluy-tuloy aniya ang malalakas na putok.

Matapos ito ay nakita nila ang isang Flight Attendant na nanakbo patungo sa harapan ng eroplano.

Doon umano nila naisip na may hindi na magandang nangyayari.

“It happened as soon as we took off, heard a couple loud bangs, at first I thought it was just the tires then it continued so I though maybe it was something to do with the luggage or something but then it went on, and the plane jolted with every loud bang. Next thing we knew, a FA from behind ran to the front to talk to the purser and that’s when I definitely knew something was wrong,” ayon kay Lamata.

Matapos ito ay inanunsyo na ng piloto na mayroong engine problem ang eroplano.

Pero ayon kaky Lamata, naging maayos naman ang sitwasyon at nakalapag ng ligtas ang naturang PAL flight.

“It stopped shortly after and the pilots right away announced that we had engine problems but that everything was under control and then they landed the plane safely,” dagdag ni Lamata.

Read more...