Water level ng Angat dam nabawasan sa nakalipas na magdamag

Nabawasan muli sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig ng Angat dam.

Sa update ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga nasa 187.23 meters na lang ang water level ng dam.

Malayo ito sa 210 meters na normal high water level ng Angat.

Ang Ipo dam naman ay 100.54 meters ang water level habang 77.57 meters ang La Mesa dam.

Nabawasan din ang water level ngh Ambuklao, Binga at Caliraya.

Habang nadagdagan naman ang water level ng San Roque, Pantabangan at Magat.

 

Read more...