Higit P250k ng shabu nasabat sa buy-bust sa Navotas

Arestado ang limang drug suspek sa buy-bust operation na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit ng Navotas City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. Tangos North, Navotas City, araw ng Huwebes.

Nakilala ang mga suspek na sina Dave Angeles, Raymond Adalin, Lewie Garcia, Joseph Bergantin, residente ng baranggay habang ang isa pa ay si Mico Robles, taga-Brgy. Tangos South.

Nagkasa ng operasyon laban sa limang suspek sa bahagi ng R. Domingo Street.

Nagpositibo ang transaksyon at agad na hinuli ang mga suspek.

Nakuhaan ang mga ito ng mga plastic sachet ng shabu na may bigat na 38 gramo at nagkakahalaga ng P258,000.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng Navotas City Police ang mga suspek.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...