Sa talumpati sa Center for Elderly sa Taguig City, muling nagbabala ang pangulo sa publiko ukol sa panganib na dulot ng vaping.
Biro ng pangulo, pinahahanap niya ang demonyong lumikha sa vape at ipapapatay ito.
Umani naman ng katatawanan ang biro ng presidente.
“Ewan ko kung sino bang demonyo nag-imbento ng vaping na ‘yan. Pinapahanap ko nga. I-extrajudicial killing ko yang gagong yan,” ayon sa pangulo.
“Totoo. Magpunta yan dito, saan ang pulis? Patayin mo yang p*****-ina,” dagdag nito.
Ang Chinese pharmacist na si Hon Lik ang itinuturong nasa likod ng imbensyon sa modern e-cigarette.
Ang biro ng pangulo ay sa gitna ng kanyang kontrobersyal na utos na ipagbawal ang importasyon ng vape at ipahuli ang mga gumagamit nito sa pampublikong lugar.
Kahit wala pang written order, sinimulan na ng Philippine National Police ang paghuli sa vapers.
Nilinaw naman ng PNP na hindi naman nila ikukulong ang mga mahuhuli at isasailalim lang sa police blotter.