Pulis patay sa pamamaril sa Cebu City

Contributed to CDN

Patay ang isang police official matapos barilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Sitio Molave, Brgy. Kamputhaw, Cebu City, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang pulis na si Lt. Col. Joie Yape, dating hepe ng Provincial Intelligence Branch ng Cebu Provincial Police Office.

Ayon kay Deputy Regional Director for Operations Col. Geovanie Maines, naglalakad lamang ang biktima kasama ang kanyang maybahay nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Yape.

Sinubukan pa itong dalhin sa ospital ngunit idineklara ring dead-on-arrival.

Nakatalaga ngayon sa PNP- Internal Affairs Service si Yape, ang yunit ng pulisya na nag-iimbestiga laban sa mga tiwaling pulis.

Sa katunayan ay nasa Cebu City ang police official dahil dumalo ito sa isang pagdinig sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay kay Yape at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Read more...