M3.8 na lindol naitala sa Benguet

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bahagi ng Benguet alas-12:05 pasado hatinggabi ng Biyernes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 13 kilometro Hilagang-Kanluran ng La Trinidad.

May lalim ang pagyanig na 127 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...