Duterte: ‘Brightest stars’ kami nina Go, Cayetano sa PH politics ngayon

Presidential Photo

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na siya kasama sina Christopher ‘Bong Go’ at House Speaker Alan Peter Cayetano ang ‘brightest stars’ ng Philippine politics sa kasalukuyan.

Sa talumpati sa Center for the Elderly sa Taguig City, sinabi ng pangulo na kung makikita lamang sila mula political na langit ay sila ang pinakamaningning.

“Si Senator Bong, Speaker (Cayetano), we are the brightest stars today kung tingnan ka sa political na langit at makikita mo kami shining,” ayon sa pangulo.

Pero ayon sa pangulo, posibleng magbago ito pagkatapos ng kanyang termino.

Matapos anya ang dalawang taon, mapapalitan ng dilim ang ningning at mawawala na ang kanyang presensya.

“But I know in about two years’ time that light would dim and I would be nothing. Ganun ang buhay. There is a time for everything in this world. A time to be young and a time to be old,” dagdag ng pangulo.

Magugunitang mula sa pagiging alkalde ng Davao City ng ilang termino ay nagbago ang political career ng pangulo matapos magwagi sa 2016 presidential elections.

Si Senator Go naman na ‘trusted aide’ ng pangulo sa higit dalawang dekada ay pumangatlo sa 2019 Senatorial elections.

Habang si Speaker Cayetano na ka-tandem ng pangulo noong 2016 ay natalo sa pagkabise presidente ngunit nahalal bilang pinuno ng Kamara noong Hulyo.

Read more...