Mga biktima ng pulitika ang walong retiradong military officers na nakatalaga sa Bureau of Customs na nasibak kamakailan sa kani-kanilang puwesto.
Ito ang paniniwala ni Deputy Customs Commissioner Jessie Dellosa na siya ring pinuno ng BOC Intelligence Office.
Ayon sa retiradong heneral, ilang mga congressman at iba pang mga pulitiko ang sadyang tinrabaho ang pagpapatalsik sa puwesto sa walong opisyal.
Paniniwala pa ni Dellosa, mga miyembro ng house ways and means committee ng Kongreso ang sangkot sa pagpapaalis sa mga retiradong AFP officers sa hanay ng BOC.
Gayunman, hindi naman mabanggit ni Dellosa ang motibo sa likod ng pagsibak sa mga port collectors ng BOC.
Matatandaang tinawag na “illegal and inutile” ni Dellosa ang pagpapaalis sa mga port collectors na mga dating opisyal ng AFP.
Giit nito, pawang mga respetadong retired officers ang mga naapektuhang opisyal at walang bahid ng anumang anomalya nang magretiro sa AFP.