Pambihirang alignment ng 5 planeta, matatanaw sa Pilipinas

 

Mula sa Google

Sa isang pambihirang pagkakataon, matatanaw sa Pilipinas ang ‘conjunction’ o ‘alignment’ ng limang planeta simula sa January 22.

Ayon sa PAGASA, mistulang pipila ang mga planetang Jupiter, Mars, Venus, Saturn at Mercury sa Byernes at ito’y magsisimula bago magbukang-liwayway o ‘dawn’.

Bago pa man ang kakaibang planetary alignment, o planetary ‘conjunction’ malinaw nang natatanaw ang Jupiter, Mars, Venus at Saturn sa southeastern horizon simula noong January 1.

Gayunman, magiging kakaiba ito dahil sa January 22, lilinya na rin ang planetang Mercury.

Huling naganap ang alignment ng limang planeta may 11 taon na ang nakalilipas.

Ang ‘celestial parade’ ay inaasahang tatagal ng hanggang March 3.

Read more...