Michelle Dee, tumulak na patungong London para sa Miss World 2019

PHOTO CREDIT: @michelledee/INSTAGRAM

Tumulak na si Miss World Philippine 2019 Michelle Dee patungong London, United Kingdom.

Ito ay para sa paglaban ni Michelle sa Miss World 2019 sa ExCel Stadium sa December 18.

Gamit ang kaniyang Instagram, nag-post si Michelle ng larawan kung saan makikitang dala nito ang bandila ng Pilipinas bago sumakay ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sinabi ni Michelle sa caption na, “Let’s show the world what we Filipinos have to offer.”

Hinikayat naman ni Michelle ang mga tagahanga na patuloy siyang iboto sa pamamagitan ng MobStar app.

Read more...