36 escalator units ng MRT-3, fully operational na

PHOTO GRAB FROM DOTR MRT-3/FACEBOOK

Fully-operational na ang 36 sa kabuuang 46 na escalator units ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa DOTr MRT-3, ito ay matapos maisaayos ng Sumitomo Corp., Mitsubishi Heavy Industries Ltd. (MHI) and TES Philippines, Inc. (TESP) ang ilang units sa dalawang istasyon ng tren.

Inayos ang escalator units sa bahagi ng Cubao Station (Southbound) at Boni Station (Southbound) noong November 7 at 15.

Samantala, sinabi pa ng pamunuan ng MRT-3 na operational ang lahat ng kanilang elevator.

Target ng maintenance provider na maging operational ang ang lahat ng unit ng escalator at elevator ng MRT-3 sa taong 2019.

Read more...