Bata binaril at napatay ang kaniyang ama sa Negros Oriental

Patay ang isang ama matapos barilin ng kaniyang 8 anyos na anak na lalaki sa kanilang bahay sa Sitio Manluy-a, Barangay San Jose, Sipalay City, Negros Occidental Miyerkules (Nov. 20) ng gabi.

Nasawi matapos magtamo ng tatlong tama ng baril sa dibdib si Jessy Obas, 39 anyos.

Bago ang insidente, sinaktan umano ng nakainom na ama ang bata.

Ayon kay Lt. Col. Necerato Sabando, officer-in-charge sa Sipalay City Police Station, kinuha ng bata ang .38 kalibreng baril ng kaniyang ama at saka ito tatlong beses na pinaputukan.

Nasa kostodiya ngayon ng Department of Social Welfare and Development sa Sipalay City ang bata.

Sa imbestigasyon ng pulisya, minamaltrato ng ama ang tatlong anak niya kapag nakakainom.

Mismong si Obas din umano ang nagtuturo sa kaniyang mga anak kung paano gamitin ang baril.

Ang suspek na 8 anyos ang bunso sa tatlong magkakapatid.

Ang kanilang ina naman ay nagtatrabaho sa Metro Manila.

Read more...