LOOK: Send-off ceremony sa mga tauhan ng Coast Guard at K9 teams na sasabak sa SEA Games

Nagsagawa na rin ng send-off ceremony para sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard na sasabak sa pagbabantay sa 30th Southeast Asian Games mula Nov. 30 hanggang Dec. 11.

Pinangunahan ni Captain Nelson Torre ang send-off ceremony sa mga tauhan ng coast guard at K9 contingents na itatalaga sa Batangas, Subic, La Union, at sa Metro Manila.

Apat na K9 teams ang magiging bahagi ng Sub-Task Group Protection Technical Service para magsagawa ng paneling at sanitation sa mga competition venue.

Ito ay upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga atleta at iba pang delegado.

Read more...