Ayon sa update mula sa Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), mayroong 168 na evacuation centers sa lalawigan.
Pansamantalang nanunuluyan doon ang 9,723 na katao o 3,038 na pamilya mula sa 156 na apektadong mga barangay.
Sa kabuuan, nakapagtala na ang pamahalaang panlalawiganng Cagayan ng mahigit 11,700 na katao o 3,800 na pamilyang naapektuhan ng bagyong Ramon at Sarah.
Sila ay pawang residente ng 20 munisipalidad sa lalawigan.
MOST READ
LATEST STORIES