Water level sa Buntun River sa Cagayan patuloy na tumataas

Bagaman humupa na ang epekto ng bagyong Ramon patuloy na tumataas ang water level ng tubig sa Buntun River sa Cagayan.

Sa abiso ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Cagayan, nasa alert level na ngayon ang Buntun Bridge.

Alas 6:20 ng umaga kasi ng Huwebes, Nov. 21 ay nasa 6.46 meters ang antas ng tubig sa Buntun River.

Patuloy din sa pagtaas ang water level nito.

Pag sumapit ng 9 meters ay itataas na ang alert level warning.

Habang 12 meters naman ang critical level ng ilog.

Read more...