Hindi na nagawang maisalba ng mga doktor at kapwa niya emergency responders ang biktima na si Eskil “Scott”Danielson, isang miyembro ng Andover Borough Council at emergency medical services unit makaraang makaranas ng ‘massive heart attack’.
Ayon sa mga mga otoridad, kasama si Danielson sa grupo ng mga EMS responder na tumugon sa vehicular accident sa Route 206 sa pagitan ng Byram township at Andover Borough.
Dito na nalaman ni Danielson na isa sa dalawang biktima ay ang kanyang 19-anyos na anak na si Alycia na nagtamo ng mga pinsala sa katawan sanhi ng aksidente.
Matapos madala sa ospital ang anak, biglang na lamang nag-collapse ang ama at nawalan ng malay.
Bagaman nai-airlift pa sa ibang ospital, binawian din ng buhay si Danielson makalipas ang ilang oras.