Ito ang pananaw ni Senador Sergio Osmeña III sa sinasabing mga bagong ebidensyang pinanghahawakan ni Sen. Enrile kaya’t muling bubuksan ang imbestigasyon sa Mamasapano incident sa January 27.
Paniniwala ni Osmeña, sadyang nais na ‘saktan’ ni Enrile ang Pangulong Aquino sa reinvestigation ng Mamasapano incident bilang ganti dahil sa pagpapakulong ng Punong Ehekutibo sa senador sa isyu ng pork barrel funds.
Wala rin aniya siyang nakikitang ‘political motive’ sa likod ng hakbang na ito ni Enrile.
“I don’t think Johnny cares too much about that. He just cares to hurt PNoy because PNoy put him in the stockade, that’s why. I don’t think he’s doing it in favor of anybody,” pahayag ni Osmeña.
Matatandaang si Enrile, kasama sina Senador Bong Revilla at Jinggoy Estrada ay nadetine sa kasong plunder o pandarambong makaraang maakusahang kumita ng milyon pisong halaga ng kickback mula sa kanilang Pork Barrel funds.
Nakalalaya lamang ang 91-anyos na si Enrile matapos payagang makapagpiyansa ng Korte Suprema.