Ateneo Blue Eagles, muling nasungkit ang kampeonato sa UAAP men’s basketball

Sa ikatlong sunod na pagkakataon, nasungkit ng Ateneo de Manila University ang kampeonato ng UAAP men’s basketball.

Nagwagi ang Blue Eagles kontra sa University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers sa Game 2 ng UAAP Season 82 men’s basketball sa iskor na 86-79.

Naipanalo ng Ateneo ang 16 na laro sa buong season.

Ipinagpatuloy ni Thirdy Ravena ang magandang takbo ng laro sa Game ng Finals dahilan para makapag-ambag ng 17 points sa Blue Eagles.

Dahil dito, muling nakuha ni Ravena ang Finals MVP sa ikatlong sunod na season matapos makapagtala ng 24.5 average points sa series.

Read more...