Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, aabot naman sa P1.4 bilyon ang kita na mawawala sa gobyerno sa pagtanggal ng buwis sa vape.
Sinabi nito na sa gagawing pagsalang sa bicameral conference committee ng sin tax kung saan kasama sa nais patawan
ng excise tax ang vape at e-cigarettes ay tatanggalin na nila ang nasabing probisyon.
Tiniyak naman nito na hindi naman maaapektuhan ang Universal Health Care Law na siyang makikinabang sa buwis dito.
Paliwanag naman nito, mayroon pang ibang sin products na mapagkukunan ng pondo ng UHC tulad ng tobacco at alcohol o fermented products.
Ipapaubaya naman na ni Salceda ang vape at e-cigarettes sa Department of Health (DOH) bilang health concern na ng bansa.