TS #SarahPH, bahagyang bumilis; Signal no. 1 nakataas pa rin ang ilang lugar

PAGASA PHOTO

Bahagyang bumilis ang Tropical Storm “Sarah” habang binabagtas ang bahagi ng Cagayan.

Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang bagyo sa layong 540 kilometers Silangang bahagi ng Tuguegarao City, Cagayan bandang 4:00 ng hapon.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Bumilis ang bagyo sa 30 kilometers per hour habang tinatahak ang direksyong pa-Hilaga Hilagang-Kanluran.

Dahil dito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Batanes
– northeastern portion ng Cagayan (Gattaran, Lal-lo, Buguey, Gonzaga, Sta. Ana, Calayan)
– kabilang ang Babuyan Islands

Patuloy na mararanasan ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Apayao, at northern portion ng Ilocos Norte.

Samantala, mahina hanggang katamtaman na may pakana-kanang pag-ulan naman ang iiral sa Ilocos Sur, Abra, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Isabela, La Union, Benguet at nalalabing bahagi ng Ilocos Norte.

Sinabi ng PAGASA na mapanganib pumalaot ang mga sasakyang-pandagat sa seaboards ng Northern at Central Luzon at western seaboard ng Southern Luzon bunsod naman ng Tropical Storm “Sarah” at Northeast Monsoon o Amihan.

Inaasahang lalabas ang sama ng panahon sa Sabado ng hapon.

Read more...