Magnitude 3.6 na lindol, yumanig sa Davao Occidental

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Davao Occidental, Miyerkules ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 62 kilometers Northeast ng Jose Abad Santos bandang 2:55 ng hapon.

May lalim ang lindol na 61 kilometers at tectonic ang dahilan.

Dahil dito, naitala ang instrumental intensity 1 sa Malugon, Sarangani.

Wala namang napaulat na pinsala at inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...