Pasay City gov’t, nagbabala vs hindi otorisadong ad solicitation para sa Foundation day

Photo grab from Pasay City Public Information Office’s Facebook page

Nagbabala sa publiko ang pamahalaang lokal ng Pasay ukol sa mga hindi otorisadong advertisement solicitation para sa nalalapit na pagdaraos na Pasay Day.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Pasay City Administrator, Atty. Dennis Acorda na nakatanggap sila ng mga ulat ukol sa ilang indibidwal o kumpanya na nagso-solicit para sa selebrasyon ng 156th Foundation day ng lungsod.

“We wish to inform business establishments and the general public that these solicitations are not sanctioned by the City Government unless otherwise specifically authorized by the Office of the Mayor thru a written letter,” ayon pa kay Acorda.

Sakaling makatanggap ng hiling para sa advertisement, maaaring magpadala ng e-mail ng Office of the City Administrator na pasay.caoffice@gmail.com o tumawag sa numerong:
– 8833-3734
– 8833-3738
– 8833-2161

Maaari ring tumawag sa numero ng Pasay Public Information Office na 8831-6459 o magpadala ng e-mail sa pasaypio@gmail.com.

Idineklarang special non-working holiday ang December 2 para sa paggunita ng Pasay day.

Read more...