Bagyong #RamonPH, napanatili ang lakas habang binabagtas ang Ifugao

DOST PAGASA photo

Napanatili ang lakas ng Bagyong “Ramon” habang binabangtas ang Ifugao.

Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, huling namataan ang Tropical Depression Ramon sa bisinidad ng Aguinaldo, Ifugao bandang 1:00 ng hapon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Timog sa bilis na 20 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Batanes
– Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
– Apayao
– Kalinga
– Abra
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– Mountain Province
– Benguet
– Ifugao
– La Union
– Pangasinan
– western portion ng Isabela (Quezon, Mallig, Quirino, Roxas, San Manuel, Burgos, Aurora, Reina Mercedes, Luna, Cabatuan, San Mateo, Cauayan, Ramon, Alicia, Angadanan, San Isidro, Santiago at Cordon)

Ayon sa PAGASA, inaasahang hihina pa ang bagyo at magiging low pressure area (LPA) na lamang sa susunod na 24 na oras.

Read more...