Pangulong Duterte, humirit sa media na maging patas

Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kagawad ng media na maging patas sa pagbabalita.

Ayon sa pangulo, wala siyang pakialam kung anuman ang ilalathala sa mga pahayagan basta’t siguraduhin lamang na tama at factual.

Iginiit pa ng pangulo na wala siyang hinihinging pabor o kapalit sa media.

“Ang hinihingi ko lang, kung sakali man na meron akong… I will decide one day whether to allow… Ang hingin ko lang sa kanila, I will just ask for the truth and fairness. That is all,” pahayag ni Panelo.

Pakiusap pa ng pangulo, huwag i-twist o baliin ang mga balita.

Pagtitiyak ng pangulo, siya mismo ang magbibigay proteksyon sa mga kagawad ng media.

“You can publish anything as long as it is… huwag mo nang i-twist. Publish mo. You show it to the public, I would not mind. I guarantee you. I will even protect you. I am asking only for truth and fairness,” ani Panelo.

Read more...