Ilang lansangan at tulay sa Cagayan hindi madaanan

Hindi madaanan ng mga sasakyan ang ilang kalsada at tulay sa lalawigan ng Cagayan.

Ito ay dahil sa epekto ng Bagyong Ramon at nagdaang Bagyohng Quiel.

Ayon sa Cagayan Public Information Office, ang
Patunungan Barangay Road ay onle passable lamang dahil sa soil erosion.

Ang Malinta Road, Zone 4 Dalay Presidential Bridge, at Zone 3 Dalaya Brgy. Road ay passable lamang sa mga maliliit na sasakyan.

Ang Bailey Road ay tannging motorsiklo lang ang nakadaraan.

Hindi naman madaanan ng anumang uri ng mga sasakyan ang mga sumusunod:

– Kapanickian Norte Road
– Bagunot Bridge
– Tawi Overflow
– Pinacanauan Nat Tuguegarao kanto ng Bonifacio Street

 

Read more...